Saturday

:)

so i woke up and got a lot of things to do but i still don't want to do it! my goodness ang tamad ko lang te! ayoko na tinatamad na kong tamarin haha wala na kong nagawa matatapos na ang sabado! cge para may silbi naman ako ngaung araw, gagawa ako ng post.

nagdate kami nung thursday ng asawa ko, well lunch date to be exact. dahil nga tamad na tamad akong kumilos these past few days di ako nagluto nung araw na yon (buti na lang!) ayun e di nanlibre siya! (eh kung araw-arawin ko kayang wag na magluto haha) hinatid muna namin sa skul ang bebe namin tapos nun gora na kami.

kumain kami sa tay ingo, bagong bukas lang yata na kainan yan dito sa lugar namin, ewan, baka matagal na huli lang talaga ko sa balita! infairness, ang sarap naman ng food nila. native na manok specialty nila and seafoods. umorder lang kami ng inasal with unli rice, sinigang na baboy saka 1.5 na pepsi, ayos na ayos solb!    sinadyang iwan ng mister ko cellphone ko na ginagamit nya bago kami umalis ng balur kasi alam nya na ang mangyayari magpapapichur ako! di nya lang alam ginawa ng tahanan ng camera ko ang bag ko! bwahahaha!

ewan ko ba kung ba't asar na asar talaga siya tuwing di ako mapakali sa kakapichur 'pag kasama nya ko (di man lang suportahan talent ko nyak! hahaha) di naman ako self-portraiter lols pramis! di naman puro muka ko lng ang subject! minsan mukha nya rin haha!

ilalagay ko pa sana ang mga pics kaso alas sais na pala magsasaing muna ko! ciao!
tatambayan kita ulit mamaya bloggy namimiss pala kitang talaga! :)

2:15 am
at ako nga'y nagbalik! mejo late na napachika pa ng konte sa fb pero ok lang tatapusin ko to' pampa-good vibes lang bago matulog para happy sunday bukas.:)

@Tay Ingo

eto na nga, e di humirit na kong magpapichur sa kanya... aba! eto nagtulug-tulugan ang mokong lols! oh e di ikaw na kj!  

pinichuran ko na lang tuloy tong design ng kubo na tinuluyan namin, ang sarap dito ang presko lang parang probinsya haha! gandang idea neto parang gusto ko tuloy pag' nagkaron na ko ng sariling bahay may ganito din, tambayan lang tapos lalagay ko din pichur ng bebe ko.. how cute! (bawat kubo may pichur yata ng apo ng may-ari or junanaks)

ayaaaaan! o di ba no choice siya di pa kasi siya maka-lafus, sinigang pa lang ang sinerved at plato hahaha!

pinilit ko pa siya nyan ng bonggels para lang kuhaan ako! 


e kainan na, di ko na pinilit chura pa lang parang mananapak na sa gutom lol! baka magwalk-out siya bigla ako pa pagbayarin :p

moment ko na! busog-lusog na siya e, nagkusa na siyang pichuran ako..:))

tas ngaun wumawacky kp jan hahaha

uwian na! :D thanks sa lunch dad! bukas ulit ha'







2 comments:

  1. Sana nag post ka ng pictures! Kami naman pag kumain sa labas kailangan ma picturan muna ang food kahit gutom na gutom na ang mg kasama ko. heheh! Syempre may picturan din kasama ng food.

    ReplyDelete
  2. hello ate! :D thank you for dropping by! hehe talaga naman te kasi parang pro naman kayo kumuha ng pix saka foodie kc sis mo db.. naku samin di uubra e magutumin at mainipin masyadow! thanks ulit te.. i'll visit you tomorrow.:)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...