Sobrang maalinsangan ang panahon kaninang tanghalian kaya naman dali-dali kong inihanda ang pampaligo ni H pagkababa namin mula sa silid-tulugan. Subalit dala na rin siguro ng init ng panahon, mainit din pati ang ulo nya ~ galit, nagwawala, ayaw kumilos at sa unang pagkakataon hindi atat maligo. Mga mag-iisang oras din kami nagpilitan, naglambingan, nag-inisan at nag-utuan para lang mapaamo siyang pumunta ng kusina pero matigas pa din. Mas lalo lang siyang nabwisit kasabay nang pag halik ng ulan sa nangangalit na tuyot na lupa. Badtrip! Mahalumigmig! Mabuti na lang at lumakas ng konte ang pagbuhos nito at ganun din ang paglakas ng sigaw ng aking mahal na prinsesa. Kaya naman ang kanyang ama ay tuluyan ng sumaklolo, at ayun naligo silang dalawa sa ambon (e mahina lang e kaya di un ulan) :)) Yan ang istorya ng unang pagdampi ng patak ng ulan sa balat ng aking mahal na bulilit.
Bakas pa sa larawang ito ang pagka-inis ng aming prinsesa pero ang totoo nagenjoy talaga siya di lang halata, *wag ka mag-alala anak sa tag-ulan araw-arawin natin maligo sa ulanan..
***Buti na lang at lumamig din at nakatulog siya, nagkaroon tuloy ako ng oras para magawa ito.
No comments:
Post a Comment