Monday

Aksyon Pigyurs

Tutal nabanggit ko na lng din ang ben ten sa nauna kong post eh isunod na natin agad  ito, aksyon pigyurs! Babae ang anak ko, tatlong taon siya, malikot, masayahin pero gustuhin man namin hindi talaga siya ung tipong girly na bata. Sobrang malambing siya, mahilig mang-halik, mang-yakap at mag-sabi ng "i love you" sa napakalambing na boses pero di nya trip ang magpose sa camera, madalas pag pipichuran siya uunahan nya pang bumilang ng tatlo ang kukuha at siya na ang aaktong photographer at sasabihan ka pa ng "say cheese"!  Pati sa laruan mas nakakapukaw ng pansin nya ang mga robots, cars, handy manny tools at unisex toys tulad ng camera, building blocks and colored sticks.

Noong nakaraang buwan nga umuwing luhaan at nagwawala magmula playground hanggang bahay. Nakakita kasi siya ng spider man action figure sa bazaar sa paglabas nila ng playground, nagkataon naman na ang baon nilang 40pesos e naibili na nila ni ate baby ng popcorn ayon bokya wala silang pambili.
Alas-sais ng gabi ng dumating sila ng bahay, bothered ang lahat dahil malayo pa sa gate rinig na ang iyak nya which is very unusual kc di talaga siya iyakin kaya ganun na lang ang pangamba ng lahat. Akala namin kung napapano yun pala eto lang ang pinagwalaan nya. Kinse pesos na spiderman! Eto sya o! *ay bukas na lang ung picture di ko maalala kung san folder ko nilagay*


Kaya naman dali-daling nagvolunteer maglabas ng kinse pesos ang mga tao sa bahay para lang mabalikan at mabili agad yang si pareng spidey! Ganun na lang ang galak ni Hailey ng makita nya paghatid sa kwarto namin habang emo pa siya. (Yung parang walang nangayare!)

Nung kami namang tatlo ng daddy nya ang pumunta sa tindahan ng koreano (novelty shop) pinadampot namin siya ng kung anong gusto nya kasi mura lang naman ang mga bilihin dun, fishing poles with fish ang napili nyang laruan tapos nun umuwi na kami. Happy naman siya, pero di siya makaget-over dun sa nakita nyang ben ten, mga after 20minutes pagdating namin ng bahay naisip nya agad ung nakita nyang aksyon pigyur na ben ten dun. Sabi ko na lang sa kanya "ok we'll ask dad to buy it tomorrow". Sinabi ko na lang yun para wala ng diskusyon kasi bed time na rin non. Linggo un, dumating ang Lunes ng gabi naalala na naman nya ung ben ten, ganun din nung Martes ng gabi at ginabi-gabi nya na hanggang Sabado, Naawa naman ako kaya Linggo ng umaaga, pagkagising nya binihisan ko agad at sinorpresang dalihin dun upang sa wakas mabili nya na rin si unforgettable ben. Eto sya o! *ay bukas na lang ung picture di ko maalala kung san folder ko nilagay*

Di nako nagumingles para mabilis, walang double check. Sayang nga lang kahit ppano kasi isa to' sa mga paraan para mapractice english skills ko.:) Kiber lang Pinoy naman ako e! Pak! Makatulog na nga hating-gabi na naman!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...